QUEZON CITY--Inilunsad ng (NAST PHL katuwang ang media, at komunidad ng agham sa #PilipiNAST Kapehan na ginanap noong Hulyo 1, 2026, sa Brentwood Suites. Quezon Avenue, lungsod Quezon, kung saan tampok sa programa ang mga bagong halal na miyembro ng NAST PHL, ang tatanggap ng 2025 Geminiano T. De Ocampo (GTO) Visionary Award for Medical Research, at ang mga pararangalan sa 48th Annual Scientific Meeting
na gaganapin sa July 8-9, bilang mga natatanging awardee para sa taong 2026.
Ang #PilipiNAST Kapehan ay isang serye ng talakayan na pinagsama-sama ang mga siyentipiko ng NAST PHL, mga kinatawan ng mamamahayag, at science communicators. Layunin nitong ipakilala ang mga programa ng Akademya, kilalanin ang mga pinarangalang siyentipiko at miyembro nito, at talakayin ang mahalagang usapin sa agham, teknolohiya, at inobasyon. Higit sa lahat, binibigyang-pugay nito ang natatanging ambag ng mga Pilipinong siyentipiko sa patuloy na pag-unlad ng bansa.
Isa sa mga tampok ng programa ang paggawad ng 2025 GTO Visionary Award for Medical Research, kabilang ang plake at medalya.
Pagkatapos ng seremonya ng paggawad ng parangal, magsasagawa ang NAST PHL ng isang eksklusibong press conference kasama ang mga bagong halal na miyembro at mga awardee ng 2026, kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang media na makapanayam ang ilan sa mga nangungunang siyentipiko ng bansa.
Paparangalan din ang tatlong (3) bagong halal na Akademisyan, kasama ang labindfalawang (12) Outstanding Young Scientist (OYS) para sa 2026.
Pangungunahan ni MS. Luningning E. Samarita- Domingo, Director lV ng NAST PHL, ang paggawad ng parangal at magbibigay ng pangwakas na mensahe.
Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHL) ay isang attached agency ng DOST na may tungkuling kilalanin ang mga natatanging tagumpay sa pananaliksik at pagpapaunlad ng agham, magsilbing tagapayo ng Pangulo at ng Gabinete sa mga usaping may kaugnayan sa agham at teknolohiya, at magsagawa ng mga proyekto at programang nagsusulong ng produktibidad sa larangan ng siyensya.
No comments:
Post a Comment