Nagsagawa ng site inspection ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Pamahalaang Panlalawigan ng Samar sa Kapitolyo ng Samar noong 29 Hunyo 2026 na nilalayong pagtayuan ng kauna-unahang Bantayog-Wika ng lalawigan.
Pinangunahan nina Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, Dr. Carmelita C. Abdurahman, Komisyoner para sa Programa at Proyekto, at mga kinatawan mula sa Departamento ng Turismo ng Samar ang pagbisita upang tiyakin ang kahandaan ng lugar na planong paglagakan ng Bantayog-Wika ng Samar. Ang proyektong ito ay naglalayong kilalanin at pangalagaan ang yaman ng katutubong wika at kultura ng Samar. Target ng KWF at PGU Samar na matapos at maipatayo ang nasabing monumento bago magwakas ang taΓ³ng kasalukuyan.
Ang proyektong Bantayog-Wika 2026 ay nasa ilalim ng pamamahala ni Dr. Carmelita C. Abdurahman, Komisyoner para sa Programa at Proyekto ng KWF at opisyal na kumakatawan sa mga wika ng rehiyon.
Ang Bantayog-Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino ay isang proyekto na naglalayong bigyan ng pisikal na anyo ang wika upang mas tangkilikin, pangalagaan, at ipagmalaki ng bawat mamamayan ang yamang-wika at kultura ng bawat rehiyon sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment