Thursday, November 13, 2025

๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐จ ๐š๐ญ ๐…๐’๐‹ ๐˜๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐ ๐ค๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐ฅ๐š๐ง๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ !

Matagumpay na idinaos ang Magisterial Lecture ni Kom. Benjamin M. Mendillo Jr. noong 21 Oktubre 2025 sa pangangasiwa ng University of Makati College of Liberal Arts and Sciences na ginanap sa University Performing Arts Theater (UPAT). Tinalakay ni Komisyoner Mendillo ang paksang “Ortograpiya at Pagsasalin: Pagtutok sa Hรกmon at Preserbasyon ng Wikang Filipino” na dinaluhan ng mahigit sa 1,200 mga opisyal, kawani, guro, at mag-aaral.

Inilahad ni Komisyoner Mendillo ang mga suliranin na hinaharap sa pagpapanatili ng wikang Filipino at idiniin ang maaaring epekto ng mga maling salin sa kasalukuyan.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng nagsabing pamantasan kasama ang Dekana ng College of Liberal Arts and Sciences, Tessie Tapiador-Sagadraca at Prop. Edesa Grama, Tagapangulo ng Departamento ng mga Wika.

Ang paanyaya kay Kom. Benjamin Mendillo ng UMak ay upang palakasin ang kabisaan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip, paggabay sa malalim na pagsasaliksik, at pagsasapanahon ng kanilang mga kakayahan sa aspektong pang-akademiko.

No comments:

Post a Comment