Sunday, September 14, 2025

𝐌𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐚𝐰𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐖𝐅 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐍𝐚𝐢𝐬𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧

Nagtungo ang iba’t Ibang katutubong pangkat sa Komisyon sa Wikang Filipino upang pagtibayin ang isang makasaysayang pagsasagawa ng Memorandum ng Unawaan noong 4 Setyembre 2025, sa layuning maprotektahan ang katutubong wika at ang mga banta sa karapatan ng kanilang mga lupa.

Pinagtibay ang Lagdaan ng Memorandum ng Unawaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP) sa Bulwagang Romualdez, KWF.

Layunin ng MOU na higit na maging aktibong magkatuwang ang KWF at PKKMP sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino at lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas partikular na sa pagtatatag ng mga Bahay-Wika sa mga ancestral domain/land ng bawat pamayanang katutubo upang mapreserba ang kanilang wika at panitikan.

Para sa unang panig, dumalo ang mga opisyal at kawani ng KWF sa pangunguna nina Tagapangulong Barrios-Taran, Komisyoner Abdurahman, at Komisyoner Mendillo. Sa ikalawang panig naman ay dumalo ang mga opisyal at miyembro ng PKKMP sa pamumuno nina Dato Binalan Hanas, Pangulo at Bai Libun Labeh Diamante, Pangalawang Pangulo kasama ang iba pang mga katutubo.

Kasama sa mga larawan ang mga opisyal at kawani ng KWF at mga opisyal at miyembro ng PKKMP.

No comments:

Post a Comment