Dumalo at nagbigay ng mensahe si KWF Tagapangulong Marites A. Barrios-Taran sa unang araw ng Ikalawang Internasyonal na Kumperensiya para sa Kultura, Sining, at Isports mulang 27–29 Agosto 2025, Summit Galleria Cebu Hotel, Robinsons Galleria.
Mariing sinabi ng Tagapangulo na “Ang wikang sinasalita natin ay higit pa sa midyum ng komunikasyon; ito ay buhay na imbakan ng ating mga kasaysayan, karunungan, awit, at pang-araw-araw na gawain, gayundin sa mga palaro na bahagi ng ating kultura.”
Magkatuwang na pinangangasiwaan ng Samahan ng mga Guro at Iba pang Propesyonal sa WIKA (SAGIP-WIKA), Departmento ng Filipino ng Cebu Normal University, Sentro ng Wika at Kultura (SWK-7), at Kabataang Pilipino sa Larangang Akademiko (KAPILAK) ang naturang kumperensiya.
Kasama sa mga larawan sina Dr. Radji Macatabon, University of Southern Mindanao-SWK Direktor at Pangulo ng SAGIP-WIKA, Dr. Trina Marie A. Catipay, Cebu Normal University-SWK Direktor, Dr. Lita A. Bacalla, Cebu Normal University-dating SWK Direktor at Pangalawang Pangulo para sa Komunikasyon, Ugnayang Pampubliko, at Media ng SAGIP-WIKA, mga guro ng Adiong Memorial State College, Dr. Jennifer A. Gorumba, Pangalawang Pangulo para sa Internasyonal na Ugnayan ng SAGIP-WIKA at Dekana ng College of Graduate Studies ng Palompon Institute of Technology.
No comments:
Post a Comment