Sunday, August 17, 2025

๐Š๐–๐…, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฒ๐š ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐๐Œ

Nagsagawa ng Seminar sa Korespondensiya Opisyal ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 28 kawani ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala na nagmula pa sa mga tanggapan nitรณ sa NCR, Rehiyon III, V, at IX kasama ang mga kawani sa sentral na tanggapan ng ahensiya mula sa Tanggapan nina OUSEC Libiran – MACRO, OUSEC Salcedo, OASEC Dela Vega, ACTS, BILS, OADC, BMB-E, LGRCB, at OCIO. 

Ang pagpapadala ng DBM ng mga kalahok na may ranggo na mulang Administrative Assistant III-V, Information Officer 1-IV, Acting Chief Budget and Management Specialist, Budget and Management Specialist I, Administrative Officer III, Senior Budget and Management Specialist, at Executive Assistant II-III ay patunay lรกmang na seryoso itรณ sa pagbibigay espasyo sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na pormal na nag-aatas sa paggamit ng Filipino sa mga opisyal na trasaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan. 

Nagbigay ng oryentasyon hinggil sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 si G. Jomar I. Caรฑega at nagsilbing tagapanayam sina Dr. Duclay para sa Patnubay sa Paghahanda ng Korespondensiya; Dr. Lamarca sa Ortograpiyang Pambansa, at Komisyoner Mendillo Jr. para sa Introduksiyon sa Pagsasaling Pampamahalaan.

Personal na sinaksihan at nagbigay ng hรกmon at inspirasyon sa mga kalahok hinggil sa halaga ng Filipino sa serbisyo publiko ang bagong hirang na Tagapangulo ng KWF na si Atty. Marites A. Barrios-Taran. Binigyang-diin din sa kaniyang talumpati ang hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto. Ang SKO sa DBM ang unang pormal na pagharap sa publiko ni Atty. Taran bรญlang tagapangulo ng KWF.

No comments:

Post a Comment