Monday, September 9, 2024

𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐬𝐚𝐧𝐨𝐯𝐚, 𝐦𝐚𝐲 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐬𝐢𝐠𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐌𝐈𝐁𝐅


Si Tagapangulong Arthur P. Casanova ay nasa Manila International Book Fair 2024 upang lumagda sa mga aklat sa darating na 15 Setyembre 2024 ganap na ika-10 nu umaga sa booth ng Komisyon sa Wikang Filipino na nasa 2/F Function Hall, Blg. 2-92. 
Kabilang sa mga aklat na kaniyang lalagdaan ay ang Batang Mandirigma at Lima pang Dulâ, Mga Dulâ para sa Teatrong Pambata, Mga Drama para sa Dulaang Pambatá at ang pinakabagong Kalipunan ng mga Duláng Akda ng mga Mindanawon.
Magbibigay ng mga libreng publikasyon (hanggang may available) sa mga bibisita sa booth ng KWF. Mahigit 60 aklat ang mapagpipilian ng mga mamimili sa lumalaking koleksiyon ng KWF Aklat ng Bayan mula sa mga sangguniang aklat sa panitikan at kulturang Filipino, mga saliksik, isinaling klasikong akda, at iba pang babasahin. 

Sunday, September 8, 2024

Gawad JULIAN CRUZ BALMASEDA 2025, tumatanggap na ng lahok!

Ang 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐂𝐫𝐮𝐳 𝐁𝐚𝐥𝐦𝐚𝐬𝐞𝐝𝐚 ay ang pinakamataas na pagkilála na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larang gamit ang wikang Filipino.

Layunin nitó na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Pilipinas ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.

May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon. May isang magwawagi lámang sa bawat kategorya. Maaari ring walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.

Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng sampung  nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan (2016); Lovela Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Javier Fajardo, tesis sa antropolohiya (2017); Emmanuel De Leon, disertasyon sa pilosopiya (2018); Wenilyn Fajilan, disertasyon sa pagsasalin (2019); Regina Starr, tesis sa musika at panitikan (2020); Roque Augustus L. Lamadrid, tesis sa araling kultural at Jonathan V. Geronimo, disertasyon sa araling kultural (2022).

Makatatanggap ng halagang PHP100,000 (net) at isang plake ng pagkilála ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍:
Ang gawad ay bukás sa lahat ng mga estudyante, babae man o laláki, sa antas gradwado (masteral at doktorado), maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.
Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasá sa mga taóng 2021 hanggang 2023.
Kinakailangan itong isulat bílang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa iba pang kaugnay na larangan.
Kailangang orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa Filipino ang lahok, orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bílang aklat, at hindi rin salin mula sa ibang wika.
Marapat na gamitin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bílang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at iba pa. 

Para sa paglahok, kinakailangang isumite nang apat (4) na limbag na kopyang makinilyado o computerized (hardcopy). Ang kopya ng mga lahok ay kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda. Nangangahulugan ito ng pag-aalis ng mga preliminaryong pahina ng tesis at disertasyon na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng may-akda. Tanging pamagat ng tesis/disertasyon at sagisag-panulat lámang ang pahihintulutang nakalimbag sa manuskrito.
Ang mga preliminaryong pahina ng tesis/disertasyon, gaya ng katibayan ng pagsang-ayon, tungkol sa mananaliksik o bionote, pasasalamat, pag-aalay, pahina ng grado at ebalwasyon, at iba pang katulad ay ilalakip sa isang bukod na brown envelope, kasáma ang sumusunod:

7.1 Apat (4) na kopya ng limbag na lahok (softbound o ring bind);
7.2 curriculum vitae ng may-akda;
7.3 pormularyo ng paglahok; https://docs.google.com/…/1KtYI9urHG1T1v6QXejz…/edit
7.4 notaryadong awtentipikasyon ng lahok;
7.5 notaryadong katibayan ng etikong pananaliksik (walang plahiyo) na nilagdaan ng tagapayo;
7.6 rekomendasyon mula sa dalawang propesor sa kinabibilangang larangan;
7.7 rekomendasyon mula sa tagapangulo ng kinabibilangang departamento;
7.8 rekomendasyon mula sa dekano/a ng kinabibilangang kolehiyo; at
7.9 dihital na kopya ng lahok na nása isang universal serial bus (USB) drive.

Ang dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:

𝐋𝐮𝐩𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐂𝐫𝐮𝐳 𝐁𝐚𝐥𝐦𝐚𝐬𝐞𝐝𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
San Miguel, Maynila 1005

Ang hulíng araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 18 Oktubre 2024, 5:00 nh. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lámang ng KWF ang mga lahok na naipadala bago o sa nabanggit na petsa.
Ang mga magwawagi sa kategorya ng tesis at disertasyon ay makatatanggap ng PHP100,000.00 (net), plake, at medalya. May isang magwawagi lámang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.
Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
Hindi patatawarin ang sinumang mahuhúling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
Ang mga dokumentong ipinadala ng mga lumahok, nanalo o hindi, ay hindi na ibabalik sa mga may-ari.
Pára sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.

Thursday, September 5, 2024

𝐊𝐖𝐅 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐧á𝐬𝐚 𝐌𝐈𝐁𝐅 𝟐𝟎𝟐𝟒!

Inaanyayahan ang lahat na magtúngo sa Manila International Book Fair 2024 na gaganapin sa SMX Convention Center Manila, MOA Complex, Lungsod Pasay sa darating na 11–15 Setyembre 2024 ganap na ika-9:00 nu-8:00 ng. Mabibili ang mga Aklat ng Bayan at mamimigay ng iba pang libreng publikasyon (hanggang may available) sa mga maagang bibisita sa booth ng KWF na nása 2/F Function Hall, Booth No. 2-92 https://drive.google.com/file/d/1sw2kz_DmsAIJJDlGGUvnoFBiXOkcx6dS/view?usp=sharing

Para sa listahan ng mga mabibiling aklat bisitahin ang https://drive.google.com/file/d/1H_bu1exbgGn_SHAdldFu3k1UMPzTIymS/view?usp=sharing

Magkakaroon rin ng downloadable na 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐭𝐢𝐜𝐤𝐞𝐭 para sa event, kayâ’t 𝐢-𝐥𝐢𝐤𝐞 at 𝐢-𝐟𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 na ang page na ito!

#kwfaklatngbayan 
#MIBF

Wednesday, September 4, 2024

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week


In a recent statement, Secretary Renato U. Solidum Jr. of the Department of Science and Technology (DOST) highlighted the importance of partnering with local industries and institutions to enhance the adoption and commercialization of DOST-funded technologies. Solidum stressed that successful implementation of research and development (R&D) projects relies on collaboration with local governments, academic institutions, and industry players.

During the 2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) in Western Visayas, Solidum discussed the necessity of establishing standards and quality control to make local R&D products competitive both domestically and internationally. He also announced the launch of the Antique NatDyes Hub, a collaborative project aimed at revitalizing traditional textile industries through natural dyeing techniques and advanced handloom machinery. This initiative is expected to boost local economies and create opportunities for communities.

The RSTW, held from 22-24 August 2024, at the University of Antique-Sibalom Campus, showcased various homegrown technologies and projects designed to contribute to the country’s green and blue economy.