Wednesday, October 22, 2025

𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐚𝐭 𝐊𝐨𝐦𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 N𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 P𝐚𝐠𝐠𝐢𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐢𝐠𝐞𝐧𝐨𝐮𝐬 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 W𝐢𝐤𝐚, K𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐚𝐭 I𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐝𝐚𝐝

Bilang pagtalima sa mandato ng KWF at pagbibigay-pugay sa ika-89 na anibersaryo ng KWF, idinaos nang matagumpay ang isang makasaysayang diyalogo sa pagitan ng Komisyon sa Karapatang Pantao at mga pangkat etniko sa pangunguna ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayang ng Pilipinas sa pamumuno ni Dato Binalan Hanas kasama ang Fulltime Komisyoner na si Dr. Benjamin M. Mendillo, Jr., ng Komisyon sa Wikang Filipino upang iparating ang mga ipinaglalaban ng mga katutubo sa kanilang ancestral lands na magiging direktang makakaapekto sa mandato ng KWF lalo sa preserbasyon ng katutubong wika sa Pilipinas na isinagawa noong ika-13 ng Nobyembre 2025, sa tanggapan ng Komisyon sa Karapatang Pantao, Lungsod Quezon.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Komisyon sa Karapatang Pantao sa pangunguna ng Director para sa Protection Cluster na si Atty. Jasmin Regino at mga Regional Director ng naturang ahensiya na nagbigay ng kagyat na tulong sa hinaing ng mga katutubo. 

Sa isinagawang diyalogo, bawat tribo at rehiyon ay binigyan ng oportunidad na ilahad ang kanilang mga danas sa pagpapatupad ng BR 8371. Ang mga aksiyong legal ay itinala at nagbigay ng commitment ang mga rehiyonal na direktor na sila ay tutulong sa kanilang mga kinakaharap na hamon. 

Nagbigay din ng mensahe si Komisyoner Mendillo sa huli bilang rasyonal sa pagtulong ng KWF sa mga katutubong mamamayan bilang kongkretong pag-alinsunod sa pagpapanatiling buhay ang wika at kultura ng mga katutubo at sa pagsuporta sa kanilang karapatan bilang pagpapahayag ng kanilang pagkatao at pagkasarinlan. 

Pangunahing layunin ng diyalogo na madinig ang ginagawang diskriminasyon, panggigipit, pagpapaalis sa kanilang ancestral lands na hindi isinasaalang-alang ang Batas Republika 8371 o ang Indigenous Republic Act

No comments:

Post a Comment