Sunday, April 6, 2025

Paggunita sa Araw ni Gat Francisco Balagtas 2025

Isinagawa ang magkakahiwalay na pag-aalay ng bulaklak bilang paggunita sa Ika-237 araw ng kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Kabilang ang Liwasang Pandacan, Pandacan, Maynila, Francisco Balagtas Memorial School (FBMS), Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan at Hardin ni Balagtas, Orion, Bataan kung saan isinagawa ang mga programa na may temang “Mga Aral ni Balagtas Tungo sa Pambansang Pagkakaisa at Kaunlaran.”
Itinatadhana ng Proklamasyon Blg. 964, s. 1997 na pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggunita sa Araw ni Balagtas tuwing Abril 2 ng bawat taΓ³n. Gayundin, inaatasan ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015 ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat (NBDB), at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na pangunahan ang paghahanda, pakikipag-ugnayan, at pagpapatupad ng mga aktibidad at gawaing may kaugnayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) na may temang “SIKAD PANITIKAN: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran.”

No comments:

Post a Comment