ORION, Bataan -- Ipinagdiwang ang ika-236 Araw ng Kapanganakan ng Dakilang Makatang si Gat. Francisco "Balagtas" Baltazar ngayong Martes (Abril 2) sa bayang ito sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Ang pagdiriwang ay hudyat ng pagsisimula ng "Buwan ng Panitikan at Wikang Filipino".
Ang programa ay itinaguyod ng KWF na may temang: Araw ni Balagtas 2024: "Si Balagtas at ang Kaniyang Pluma sa Kaoayapaan" sa Hardin ni Balagtas, Orion, Bataan na kung saan ang mga nakipagdiwang ay nakasuot Filipiniana.
Dumalo sa pagdiriwang sina Antonio L. Raymundo, Jr., Alkalde ng Orion, mga kinatawan nina Jose Enrique S. Garcia III, Gobernador ng Bataan, at Albert Raymond S. Garcia, Kinatawan ng Ika-2 Distrito ng Bataan, at Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng KWF, kasama ang Iba pa.
Mayroon ding kasabay na pagdiriwang sa Pandacan, Maynila at Balagtas, Bulacan kung saan ipinanganak si Balagtas.
Ang bayan ng Orion ay mas kilala sa pangalang Odiong at ang Balagtas ay dating Bigaa, Bulacan.
Ang maybahay ni Balagtas at tubong San Vicente, Orion, Bataan.
Ang mga nasabing opisyal ay nag-alay ng bulaklak at nagtanim ng punongkahoy at halaman sa Hardin ni Balagtas.
Si Balagtas ay "Alagad ng Panitikan" at ang pinakatanyag nyang sinulat ay ang "Florante at Laura".
Sa kanilang mensahe, si Panlalawigang Tagapayo Gaudencio Ferrer na kumatawan kina Gob. Garcia at Kinatawan Garcia, malabis ang kasiyahan ng magkapatid na sa kabila ng init ng araw na 42 degree sentigrado ay nakarating at nakipagdiwang ang mga opisyal.
Natutuwa ang magkapatid na opisyal na kahit na di sila nakarating ay nakikiisa sila sa paggunita ng Araw ni Balagtas.
Ang pluma ay walang bala o nakakasakit, ang importante ginamit ni Francisco o Kiko ang panulat ay ginawa ni Balagtas upang punahin ang kamalian ng pamahalaan.
Ang Florante at Laura ay isinulat ni Balagtas upang ilabas ang kanyang damdamin laban sa kamalian ng pamahalaan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Alkalde Antonio Raymundo, Jr. Bawat taon ay itinataas ang pamantayan ng panitikan.
Mahalaga ang bahagi ng panitikan upang hubugin kung paano mag-isip ang katauhan.
Ang panitikang bayan ay humuhubog sa mapayapang Bagong Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dr. Casanova labis labis ang kanyang kagalakan na makapiling ang lahat ng dumalo upang ipagdiwang ang ika-236 taong tingkad nang isilang ang isang sanggol Abril 2, 1788.
Sino ang mag-aakalang isinilang ang isang Dakilang Mskata.
Araw po ito ng husay at galing ni Gat. Francisco Balagtas sa pluma at panitikan.
Patuloy ang pananaliksik sa mga Dakilang Obra ni Balagtas.
Nag-alay ng bulaklak para sa Dakilang Sisne ng Panginay, Balagtas (Bigaa), Bulacan.
Si Francisco Balagtas ang may akda ng Obrang Florante at Laura upang magkaroon ng kapayaaan at katiwasayan noong panahon ng Kastila.
Ang balangay ng Florante at Laura ay kinapapalooban din kataksilan sa pag-ibig na tinuligsa ni Balagtas.
Marubdob na pinasalamatan ni Dr. Casanova. si Gaudencio Ferrer na kumatawan sa magkapatid na Gob. Garcia at Kinatawan Garcia, ang National Book Development Board, National Commission on Culture and Arts at Alkalde Antonio Raymundo, Jr.
JTR Reports 040224 -- MHE
No comments:
Post a Comment