Friday, April 19, 2013

SULYAP 4!


    Hilig mo ba ang magsalaysay ng mga bagay - bagay o di kaya naman, may mga kuwentong nais mahubog at mapaunlad habang naghahanap ng makabagong kaalaman upang mailarawan at maibahagi ito sa isang masining at nakawiwiling paraan?

Ano pang hinihintay ninyo? Tara, makibahagi na! 

Sulitin ang pagkakataon at gawing makabuluhan ang mga nalalabing araw ng tag- araw. Halina't matuto at maglibang habang nililinang at pinagyayaman ang talento't kakayahan sa ikaapat na taon ng palihang---

"Sulyap: Pagsilip sa Paggawa ng Pelikula 4"

Isang libreng pantas- aral sa paggawa ng pelikula para sa mga mag- aaral man sa hayskul o kolehiyo at maging propesyunal, may edad 15 pataas.
ika- 25 at 26 ng Mayo at ika- 8 ng Hunyo 2013 

Lungsod ng Quezon

PARA SA MGA NAGNANAIS MAGPATALA:
Narito ang link ng talaan sa paglahok (application form)
https://docs.google.com/forms/d/1FCHYQgVZFkeDHNxT_0-zWUGa6GQ1nL6zXaK3qyMrAAI/viewform
Ang HULING ARAW ng PAGPAPATALA ay sa ika- 10 ng MAYO 2013, Biyernes.

Para naman sa katanungan at karagdagang kaalaman mangyari lang na makipag- ugnayan kay Bb. Kate Villaflor sa pamamagitan ng email: maskay_project@yahoo.com/malayangsiningkayumanggi@gmail.com

Paalala:
- Ang “Free Workshop” ay may nakatakdang bilang lamang ng kalahok. (Limited slot only)
- Siguraduhing nasagutan ng maiigi ang talaan ng paglahok (application form). 
- Huwag kalilimutan na bukod sa talaan ay may buod ng kuwento (synopsis) kayong ipapasa at dapat ito’y may kaugnayan sa salitang 'SILANGAN'. SILANGAN-- Maaring mangahulugang SIMULA, PAG-ASA, LIWANAG, PAGSIKAT, PAGSILANG o ng ating bansa mismo.
- Ang lahat ng mapipiling kalahok ay makakatanggap ng confirmation email/ text matapos ang huling araw ng pagpapatala

No comments:

Post a Comment