Sunday, May 25, 2025

𝐌𝐚𝐠𝐬𝐮𝐦𝐢𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐧𝐨𝐦𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓!


Mga Tuntunin:
1. Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.

2. Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal—laláki man o babae—samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at/o disiplina.

3. Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naitatag nang hindi bababâ sa limáng (5) taón.

4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa iba’t ibang larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba).

5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.

6. Pára sa nominasyon, kinakailangang maghanda ng limang (5) kopya at maingat na pagsunurin ang mga dokumento sa ganitong paraan:
⁍ KWF Pormularyo ng Nominasyon (https://shorturl.at/YSM6S) Tiyaking naka-login sa inyong google account.
⁍ Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina;
⁍ Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at
⁍ Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa.

7. Ilagay sa isa o higit pang expandable envelop ang mga tinukoy sa bilang 6. Maaaring dalhin o ipadala sa adres na nása ibaba:

𝐋𝐮𝐩𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Lungsod Maynila


8. Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa 𝟐𝟎 𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝟓:𝟎𝟎 𝐧𝐡.

9. Ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa Araw ng Parangal sa tutukuying petsa at venue sa Agosto 2024.

10. Pára sa ibá pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadalá ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.