Monday, August 4, 2025

饾悘饾悮饾悹饾惉饾悮饾惉饾悮饾惂饾悮饾惒 饾惂饾悹 饾惁饾悹饾悮 饾悓饾悮饾惉饾惌饾悶饾惈 饾惉饾悮 饾惏饾悽饾悿饾悮饾惂饾悹 饾悁饾惒饾惌饾悮 饾悓饾悮饾悹饾悰饾惍饾悿饾惍饾惂 饾悮饾惌 饾悁饾惀饾惌饾悮 饾惉饾悮 饾悓饾悮饾惉饾惌饾悶饾惈-饾悁饾惄饾惄饾惈饾悶饾惂饾惌饾悽饾悳饾悶 饾悑饾悮饾惂饾悹饾惍饾悮饾悹饾悶 饾悑饾悶饾悮饾惈饾惂饾悽饾惂饾悹 饾悘饾惈饾惃饾悹饾惈饾悮饾惁 (饾悓饾悁饾悑饾悑饾悘), 饾悽饾惉饾悽饾惂饾悮饾悹饾悮饾惏饾悮

Isinagawa ang pagsasanay ng mga master ng Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2 Hulyo 2025 sa Bahay-Wika, Brgy. Bangkal, Abucay Bataan. Sa pangununa ni Dr. Romylyn Metila, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman ay isinagawa ang pagsasanay sa anim (6) na master ng wikang Ayta Magbukun at wikang Alta.
Ang programang MALLP ay isang language immersion program ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nakatu贸n sa pagtuturo ng wika sa mga nasa hustong gulang (adult apprentice) at kasalukuyang umiiral sa Ayta Magbukun, Alta, at Inata. Layunin ng pagsasanay na magbahaginan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagtuturo ng kani-kanilang wika bilang paghahanda sa susunod na batch ng mga apprentice. Inaaasahang tig-anim na apprentice ang makikilahok sa kada wika sa pagbubukas ng Panuruang Ta贸ng 2025–2026.

Pinangunahan ng KWF ang gawain, sa pamamagitan nina Arthur P. Casanova, PhD, Tagapangulo, sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika kasama sina Lourdes Z. Hinampas, Pun貌 ng Sangay, Jennifer S. Bactol, at Rolien Mark Balisi katuwang si Bb. Ginette Lopez ng Provincial Government Office ng Bataan.

饾悘饾悮饾悹饾惌饾悮饾惌饾悮饾惄饾惃饾惉 饾惂饾悹 饾悢饾惂饾悮饾惂饾悹 饾悂饾悮饾惌饾悳饾悺 饾惂饾悹 饾惁饾悹饾悮 饾悁饾惄饾惄饾惈饾悶饾惂饾惌饾悽饾悳饾悶 饾惉饾悮 饾悓饾悮饾惉饾惌饾悶饾惈-饾悁饾惄饾惄饾惈饾悶饾惂饾惌饾悽饾悳饾悶 饾悑饾悮饾惂饾悹饾惍饾悮饾悹饾悶 饾悑饾悶饾悮饾惈饾惂饾悽饾惂饾悹 饾悘饾惈饾惃饾悹饾惈饾悮饾惁 (饾悓饾悁饾悑饾悑饾悘) 饾惂饾悹 饾悁饾惀饾惌饾悮 饾悮饾惌 饾悘饾悮饾悹饾惀饾惍饾惀饾惍饾惂饾惉饾悮饾悵 饾惂饾悹 饾悗饾惈饾惌饾惃饾悹饾惈饾悮饾惄饾悽饾惒饾悮饾惂饾悹 饾惌饾悽 饾悁饾惀饾惌饾悮, 饾悹饾悽饾惂饾悮饾惂饾悮饾惄

Ginanap ang Seremonya ng Pagtatapos ng unang batch ng programang Master-Apprentice 
Language Learning Program (MALLP) sa wikang Alta para sa Ta贸ng Panuruan 2024–2025 noong 1 Hulyo 2025 sa Aurora State College and Technology (ASCOT), Baler, Aurora. Limang apprentice na Alta ang nagtapos sa naturang programa. Ang programang ito ay nakatu贸n sa isahang pagtuturo ng wika (one-on-one) ng tagapagsalita ng wika (master) at isang mag-aaral ng wika na nasa hustong gulang (adult apprentice).

Pagkaraan ng seremonya ng pagtatapos, inilunsad din ang Ortograpiyang ti Alta (Ortograpiya ng Alta). Naglalaman ito ng mga tuntunin sa pagsulat ng wikang Alta na makatutulong sa paggamit nito sa paaralan. Binuo ito ng mga elder at komunidad ng Alta sa Aurora, mga guro ng Kagawaran ng Edukasyon-Aurora, at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Pebrero 2023.
Dinaluhan ito ng Pangalawang Pangulong Akademiko ng ASCOT, Dr. Maria Luz Cabatan; Direktor ng Extension and Rural Development Office-ASCOT, Gng. Glenda Gines; Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura-ASCOT, Bb. Angelica Vallejo; mga guro sa Kagawaran ng Edukasyon-Aurora na sina Gng. Sandra Benitez, Gng. Mercy Camonao, at Gng. Mariane Pelor; Chieftain Perlita Marquez, mga master, at apprentice ng Alta; at mga mag-aaral sa ASCOT.

Pinangunahan ng KWF ang gawain, sa pamamagitan nina Arthur P. Casanova, PhD, Tagapangulo, sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika kasama sina Lourdes Z. Hinampas, Pun贸 ng Sangay, at Jennifer S. Bactol, katuwang sina Gng. Gines at Bb. Vallejo ng ASCOT.

饾悆饾惈. 饾悇饾惎饾悶饾惀饾惒饾惂 饾悅. 饾悗饾惀饾悽饾惇饾惍饾悽饾惂饾惃 饾悮饾惌 饾悆饾惈. 饾悜饾惍饾惌饾悺 饾悓. 饾悡饾悽饾惂饾悵饾悮饾悮饾惂, 饾悓饾悹饾悮 饾悂饾悮饾悹饾惃饾惂饾悹 饾悐饾惃饾惁饾悽饾惉饾惒饾惃饾惂饾悶饾惈 饾惂饾悹 饾悐饾悥饾悈

Napabilang na sa Kalupunan ng Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sina Kom. Evelyn C. Oliquino, PhD, Kinatawan ng Wikang Bikol at Kom. Ruth M. Tindaan, PhD, Kinatawan ng mga Wika ng Pamayanang Kultural ng Hilagang Pilipinas. 

Makasas谩ma sila nina Tagapangulong Arthur P. Casanova, PhD; Kom. Carmelita C. Abdurahman, EdD; Kom. Benjamin M. Mendillo Jr., PhD; Kom. Reggie O. Cruz, LPT, EdD, PhD; Kom. Melchor E. Orpilla, PhD; Kom. Hope Sabanpan Yu, PhD; at Kom. Christian Ton Nery Aguado, PhD; sa pagsusulong ng mandato ng KWF.

Ang Mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin.

Mga aklat sa Pagpapasigla ng Wikang Ayta Magbukun, inilunsad

Inilunsad ang Urtugrapiya ung Ayta Magbukun (Ortograpiya ng Ayta Magbukun) at Hinup: Aklat Ung Ayta Magbukun noong 13 Hunyo 2025 sa pasilidad ng Bahay-Wika sa Brgy. Bangkal, Abucay, Bataan. Ang Urtugrapiya ay naglalaman ng mga tuntunin sa pagsulat ng wikang Ayta Magbukun. Binuo ito ng mga elder mul芒 sa iba’t ibang komunidad ng Ayta Magbukun sa Bataan, mga guro ng Kagawaran ng Edukasyon-Bataan, Summer Institute of Linguistics (SIL), at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Samant谩la, mababasa sa Hinup ang mga kuwento, kanta, tula, diyalogo, at listahan ng mga salitang Magbukun. Mayroon din itong mga larawan na iginuhit ng mga miyembro ng komunidad. Ang dalawang aklat na ito ay binuo para makatulong sa pagpapasigla ng wikang Ayta Magbukun at magamit sa paaralan ang kanilang wika.

Bago ang paglulunsad ng dalawang aklat, isinagawa ang ebalwasyon sa ikaanim na batch ng programang Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP). Iniulat sa komunidad ang resulta ng progreso ng mga mag-aaral sa Bahay-Wika. Pagkaraan nito, nagsagawa ng Focus Group Discussion (FGD) sa mga guro, magulang, elders, masters, at apprentice upang masuri ang implementasyon ng programa sa loob ng isang ta贸ng panuruan.

Isinagawa rin ang pagpaplanong pangwika ng komunidad. Target nila na sa loob ng sampung ta贸n, mul芒 2025–2035, lahat ng Ayta Magbukun sa kanilang komunidad ay nagsasalita na ng wikang Ayta Magbukun. Naglista sila ng mga gawain at timeline kung paano ito maisasakatuparan.    

Dinaluhan ito nina Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Jay-r Reyes, Chieftain Rosita Sison, mga guro, mga elder, mga manunulat, at mga magulang. Pinangunahan ng KWF ang naturang gawain, sa pamumuno ni Arthur P. Casanova, PhD, Tagapangulo, sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika kasama sina Lourdes Z. Hinampas, Pun贸 ng Sangay, Jennifer S. Bactol, at Rolien Mark M. Balisi, katuwang ang Provincial Tourism Office ng Bataan kasama sina Ginette Lopez at Patricia Gail R. Miranda.

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Archives of the Philippines (NAP) Nagsagawa ng Seminar on Records Disposition Management

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Archives of the Philippines (NAP) ay nagsagawa ng Seminar on Records Disposition Management sa panayam nina Christin E. Licopit at Vanessa C. Lim ng NAP na nagbigay ng makabuluhan at detalyadong lektura hinggil sa nasabing paksa na dinaluhan ng mga kawani ng KWF.

饾悆饾惃饾悿饾惍饾惁饾悶饾惂饾惌饾悮饾惉饾惒饾惃饾惂 饾惂饾悹 饾惏饾悽饾悿饾悮饾惂饾悹 饾悎饾惉饾惂饾悶饾悹, 饾惉饾悽饾惂饾悽饾惁饾惍饾惀饾悮饾惂 饾惂饾悹 饾惁饾悹饾悮 饾惁饾悮饾惂饾悮饾惂饾悮饾惀饾悽饾悿饾惉饾悽饾悿 饾惁饾惍饾惀饾悮饾惂饾悹 饾悓饾悓饾悞饾悢

Sinimulan ng mga mananaliksik mulang Mariano Marcos State University (MMSU) ang proyektong dokumentasyon ng wikang Isneg noong 2–5 Hunyo 2025. Isinagawa ang paglikom ng datos sa pamamagitan ng interbiyu, pagmamasid, at pakikisangkot sa gawain ng komunidad sa Brgy. Nabuangan at Brgy. Cupis, Conner, Apayao. Si Asst. Prof. Leonardo Tejano ang project leader ng pangkat kasama sina Instr. Jean Claire Bartolome, Instr. Mylene Benito, at Asst. Prof. Jay-ar Cristobal. Nagsagawa naman ng monitoring sa proyekto ang mga mananaliksik mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina Kirt John Segui at Dannielle Laggui.
Nakipagpulong din ang mga kinatawan ng KWF sa mga kawani ng NCIP Conner Community Service Center at sa mga lider at elder mula sa Barren at Nabuangan ancestral domain sa Conner, Apayao upang episyenteng maisakatuparan ang proyekto.
Kabilang ang MMSU sa tatlong institusyong pinagkalooban ng grant ng KWF. Ang Dokumentasyon ng mga Wika sa Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika sa pamumuno ni Gng. Lourdes Z, Hinampas, Pun贸 ng Sangay at Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng KWF. Layunin ng proyektong ito na suportahan ang mga institusyon sa pagsusulong ng pananaliksik at dokumentasyon ng mga katutubong wika ng bansa.

Sunday, August 3, 2025

Green Multi-Party Partnership at Environmental Leaders' Summit

MANILA, PHILIPPINES – The Green Party of the Philippines (GPP), in a groundbreaking series of consultations which started in Luzon specifically in Marikina city with the Environmental Leaders' Summit, has also mobilized local leaders across the Visayas and Mindanao, establishing a powerful alliance to forge a unified national green agenda. The events, part of a "Green Multi-Party Partnership," are a direct response to the urgent calls for climate justice, inclusive development, and multi-party cooperation.

The movement first erupted on July 6, 2025, with the "Visayas Rising: Empowering Local Leaders for Environmental Action" forum held atop the symbolic hills of Mt. Manunggal in Balamban, Cebu. The day began with "Earth Caring" activities and was followed by passionate calls to action from GPP Chairperson David D’Angelo and National President Joseph Ramos. Engr. Richard Pe帽aflor, the GPP's National Auditor, provided data-driven insights from a Green Survey, while Cebu Provincial Convenor Baltz Tribunalo grounded the discussions in local realities. The youth were at the forefront, with Tesha Arcamo of Kabataan Para sa Kalikasan leading a creative introduction. The consultation's "World Caf茅" style focus groups allowed for intense dialogue on critical issues, from unsustainable development to the marginalization of indigenous practices. The day concluded with the establishment of Interim Visayas Officers, a strategic move to institutionalize the momentum.

The energy then surged south to Mindanao. From July 25-28, the "Mindanao Greens Environmental Forum" was a multi-day event themed "Mindanao Rising: Empowering Local Leaders for Environmental Action". The journey for participants began with their arrival in Cotabato City on July 25. The following day, July 26, was dedicated to a unifying "Mangrove Day Mindanao-wide Planting Activity," a tangible symbol of their shared commitment.

The main consultation on July 27 was a full-day program in Koronadal City, where participants engaged in a series of key discussions. The afternoon was devoted to a powerful Focus Group Discussion (FGD) designed to surface community-rooted issues and solutions from the ground up. Using a structured process with colored meta-cards, participants detailed the environmental and social issues they face, proposed solutions, and articulated the specific assistance they need from the GPP. These insights will serve as the bedrock for the GPP’s national green agenda. The forum also saw the election of new Mindanao Officers and a moving commitment ceremony led by Engr. Penaflor.

All consultations, also attended by GPP External Vice President Ross Flores Del Rosario and Communications Officer Ranne Tubig, were meticulously designed to ensure fiscal transparency and prioritize grassroots voices. The outputs from both the Visayas and Mindanao forums will directly feed into a historic National Red-Green Consultation Workshop.

"Change does not trickle from the top—it erupts from the ground," said a GPP representative, capturing the spirit of the consultations. With the Visayas and Mindanao having spoken, the nation is now listening as the GPP and its allies march toward a future where nature thrives and justice prevails.
#todayph25