Monday, February 3, 2025

KWF 𝐓𝐈𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐍𝐘𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟓


𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧:
1. Ang Timpalak sa Tulang Senyas ay kauna-unahang patimpalak sa pagtulâ sa pasenyas na paraan. Itinaguyod ito ng KWF na naglalayong palaganapin ang FSL bílang tunay na wika, pagsulong ng Filipino Deaf culture sa pamamagitan ng panitikan, kilalanin at bigyang-puwang ang di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang Deaf, at makapag-ambag silá sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtulâ.
2. Bukás ang timpalak sa lahat ng mga Pilipino na bingi o hard-of-hearing na matatas sa FSL, babae man o laláki, maliban sa mga kawani na ng KWF at kanilang mga kaanak.
3. Ang entring ipapása ay isang tulang senyas na hindi bababâ sa dalawampu’t apat na taludtod o linya at hindi lalagpas sa apatnapung taludtod o linya. Kinakailangang may pamagat ang ipapásang koleksiyon.
4. Maaaring ialinsunod ang tula sa paksang “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon.” Maaari ding ialinsunod ang tulâ sa tema ng Buwan ng Panitikan 2025. Ang ipapásang tulâ ay malayà (walang tugma at súkat).
5. Ang lahok ay kailangang orihinal at isesenyas gámit ang Filipino Sign Language (FSL), hindi salin ng nalathala nang tulâ, at hindi pa nasesenyas at nalalathala sa alinmang platform. Ang sinumang mahúli at mapatunayang nagkasála ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nitó sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
6. Ang pamantayan sa pagmamarka ay:

𝐊𝐑𝐀𝐘𝐓𝐈𝐑𝐘𝐀 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐠𝐝𝐚𝐧
Kaangkupan sa Tema
(Alignment with (signed) Theme)
Ugnay ang tulâ sa paksa ng timpalak.

Ang nilalaman ay isinenyas sa
FSL at salig sa paksang
“Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon
sa Pagpapabulas ng Panitikan
ng Nasyon.” 10%

Estruktura ng Tulâ at Idea
(Structure of Poem and Ideas)
Ang pagpapahayag ay malinaw,
magkakaugnay, organisado, at
nakapanghihikayat. 10%

Orihinalidad (Originality)
Ang tuláng senyas ay orihinal at
hindi pa naisesenyas o nalalathala
sa alinmang platform. Ang gumawa ng
tuláng senyas at ang sumenyas sa
lahok na video ay iisang tao
lámang. 25%

Pagkamalikhain at Pampanitikang
Pagsenyas (Creativity, Literary
Technique or Devices, e.g. iconicity,
visual rhyme, metaphor, etc.)
Naipamalas ang kakayahang ipahayag
ang tulâ sa pamamagitan ng
malikhaing pagsenyas ng mga
kamay atbp. 50%

Kahandaan ng Kalahok (Demeanor)
Kakikitahan ang kalahok ng kahandaan,
tiwala sa sarili, tamang tindig,
at angkop na galaw ng katawan. 5%


KABOUANG MARKA
7. Pára sa pagsusumite ng lahok, ilakip sa email ang sumusunod:

• Isang (1) rekorded na video file ng bersiyon ng tulâ sa FSL at sa format na .mp4 o .mov. I-save ito gamit ang format na: Tulang Senyas_Apelyido_Pamagat_2;
• Entri form/Pormularyo ng Paglahok (https://shorturl.at/mZWI5);
• Sertipikasyon o katibayan bílang Deaf na Pilipino;
• Kung Deaf o Hard-of-Hearing, scanned copy ng PWD ID;
• Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok;
• Curriculum vitae at/o resume ng kalahok; at
• Isang 2x2 retrato ng kalahok.

8. Ipadalá ang lahok sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph na may subject na: Tulang Senyas_Apelyido_Pamagat_Kategorya.
9. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 7 PEBRERO 2025, 5:00 nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.
10. Magpapadalá ang KWF ng mensahe (text o email) kung natanggap na ang lahok.
11. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:

Unang gantimpala, PHP20,000 (net), plake, at medalya;
Ikalawang gantimpala, PHP15,000.00 (net) at plake; at
Ikatlong gantimpala, PHP10,000.00 (net) at plake.

12. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
13. Ang lahat ng mga natanggap na lahok ay hindi na ibabalik at angkin na ng KWF ang video, kasáma ang unang opsiyon sa online publication ng video ng mga nagwaging lahok.

14. Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.