Wednesday, April 28, 2021

Masustansyang Tinapay ba ang hanap mo?

Sa dami ng nag labasang paninda sa panahon ng pandemya online o maging sa panaderya, ang dapat na laging tanong bago bumili ay: “Masustansya kaya?”
Alam nyo ba na ang Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ay may bagong teknolohiya na Enhanced Nutribun with carrots?  Squash noon, carrots naman ngayon! Ito ang bagong Enhanced Nutribun. Tatak Pinoy! Gawang Pinoy!
Ang Enhanced Nutribun na may carrots ay tinapay na may natural sangkap, fiber, lasa, at kulay. 
Ito ay nagbibigay ng enerhiya, protina, bitamina A, iron, calcium, potassium, at zinc. Narito ang ilang impormasyon sa taglay na sustansya ng Enhanced Nutribun carrots variant:

NUTRITION FACTS
Serving Size: 160 grams (g)
Calories (kilocalories);kcal 500
Total Fat (g) 9
Sugar (g) 27
Total Protein (g) 18
Calcium (milligrams), mg 360
Iron (mg) 6
Potassium (mg) 400
Zinc (mg) 2
Vitamin A (micrograms),mcg 350

O! Hindi ba hitik sa sustansya? Saan ka pa? Ito na marahil ang hinahanap nyong bago sa panaderya? Ang tinapay na ito ay dilaw at may mga batik na orange.Tunay na malasa, walang cholesterol, at zero trans-fats.
Kagaya ng Enhanced Nutribun na may kalabasa, tiyak na papatok din ito sa panlasa ng mga kabataan at sa buong pamilya!
Bawat tinapay ay tumitimbang ng 160 gramo. 
Kapag ibinalot ng tama sa polyethylene (PE) plastic, ito ay tatagal ng limang (5) araw sa normal na temperatura na hindi nakalagay sa refrigerator.
Nasagot ba namin ang hinahanap nyong bago sa panaderya? 
 Alamin kung paano maging technology adoptor ng Enhanced Nutribun with carrots.

Maki-pag-ugnayan sa DOST-FNRI, ang ahensiya na palaging handa para sa inyo.
Bagong Carrot Enhanced Nutribun kasing sustansya ng squash enhanced nutribun – bawat kagat sustansya ay angat para sa lahat.

Josie T. Gonzales/DOST-FNRI S&T Media Service

No comments:

Post a Comment