Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., aandar na ang Program 29 o P29, kung saan magiging available na ang P29/kilo bigas sa 10 KADIWA centers sa Metro Manila at Bulacan!
Simula July 5, maaari nang bumili ang mga benepisyaryo ng programa na senior citizens, single parents, persons with disabilities, at 4Ps beneficiaries. Available po ito simula 8AM tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo, hanggang maubos ang stock.
Maaari ding makabili ng ibang produktong agrikultura gaya ng mga gulay, manok, at baboy.
Maaari po kayong magtungo sa mga sumusunod na lokasyon:
π QUEZON CITY
Bureau of Animal Industry, Visayas Avenue, Brgy. Vasra, Quezon City
National Irrigation Administration Parking Lot, EDSA Diliman, Quezon City
π MANILA
Bureau of Plant Industry, San Andres St., Brgy. 706, Malate, Manila
π TAGUIG
Food Terminal Inc., Brgy. Western Bicutan, Taguig
π LAS PINAS
PhilFIDA Compound, Aria St., Talon Dos, Las Pinas City
π CALOOCAN
Brgy. 167, Llano Road, Caloocan City, Beside PTT Gasoline Station)
π BRGY. FORTUNE, MARIKINA
Brgy. Fortune Barangay Hall, Champaca St., Marikina City
π BFCT MARIKINA
#1 Marcos Highway, BFCT Marikina
π VALENZUELA
Disiplina Village, Ugong, Valenzuela City
π SAN JOSE DEL MONTE
Brgy. Minuyan Proper (near City College)
Inaasahang do-doble pa ang listahang ito sa August.
Paalala po sa mga benepisyaryo: magdala ng inyong ID at reusable bags. Huwag ding abusuhin ang programa upang mas marami pa ang makinabang dito.
Habang on-going ang large-scale trials na ito, magsasagawa ang DA ng pag-aaral sa supply, demand, at logistics upang masiguro ang maayos na malawakang implementasyon ng proyekto. Maghahanda din ang KADIWA ng booklets upang ma-monitor ang pagbili ng bigas ng mga P29 beneficiaries.
Para naman sa mga hindi benepisyaryo ng P29, pinaplano na ng DA ang pagbenta ng mas murang bigas sa mga KADIWA centers. Inaasahan namin ang inyong kooperasyon sa pagtupad sa layunin ng Pangulo na abot-kayang bigas para sa mga Pilipino.
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas #BagongPilipinas
No comments:
Post a Comment