Nagsanib-pwersa ang Film Development Council of the Philippines and the Department of Health (DOH) para sa Healthy Pilipinas Short Film Festival (HPSFF) na may layuning itaguyod ang isang mas malusog na bansa. Magaganap ito umpisa June 24, 2022 at Shangri-La Plaza Red Carpet, Ortigas.
Susundan din ito ng mga online screening at tatakbo mula Hunyo 25 hanggang 26, 2022.
Ang Healthy Pilipinas ay isang kampanya sa pangunguna ng DOH na layuning hikayatin ang mga positibong habit sa kalusugan ng mga Pilipino lalo na sa pag-iwas sa pagkalat ng mga sakit.
Katuwang nila rito ang FDCP simula noong 2021. “Who would have thought that FDCP and DOH would champion together both of their advocacies in a way that is very relatable and very engaging to our audience. It’s amazing how being in lockdown has spurted creativity even in isolation. The film community stayed active with writing, story development, and preparing for the time that shoots and filming will be allowed again. We excitedly took this on as health has become a paramount concern for every person globally. It is the right time to harness the power of cinema and social media to communicate something relevant,” pahayag ni FDCP Chairperson Liza Diño sa media conference na naganap last Tuesday.
are very much excited about this initiative.”
Six filmmakers from around the country and the regions were tapped to produce a film of not more than 17 minutes each presenting a different health issue.
Ang anim na filmmakers ay nagmula sa Pampanga, Cebu, Cagayan de Oro, Zamboanga, at Metro Manila.
Ang opisyal na in-person opening ceremony ng event at ang world premiere ng anim na pelikula ay sa Hunyo 24, na susundan ng online back-to-back screening na may mga talkback session na magbubukas para sa publiko sa Hunyo 25-26, 2022.
The following short films cover the Healthy Habits on fitness and nutrition, sustainable living, substance abuse prevention, mental health, safe sex, and safety measures:
Ang Paboritong Pinggan ni Nanay by Carlo Enciso Catu
Child’s Play by Julienne Ilagan
Brand X by Keith Deligero
Llegada by Ryanne Murcia and Zurich Chan
Life on Moon by Sheron Dayoc
Dito Ka Lang by Ice Seguerra
Ipinahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III ang kanyang buong suporta sa nasabing proyekto, “Sa pag-usbong ng new normal bunsod ng COVID-19 pandemic, ang pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan ay nararapat maging prayoridad sa bawat tahanan, workplace, paaralan at komunidad. Isang paraan upang maipa-abot ang mensahe na ito sa mga tao ay sa pamamagitan ng pelikula at media. Hangad ng ating adbokasiya ang masaya at malikhaing presentasyon ng mga pelikula na dekaledad at puno ng mga magagandang mensahe. Halina’t magsama-sama para ang bawat Pilipino ay maging malusog na mamamayan, para sa isang Healthy Pilipinas.”
No comments:
Post a Comment