- ALAM ay:
Isang party-list organization na mayroong regional chapters mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Binubuo ng mga propesyonal na mamamahayag (media men) at mga mamamayang galing sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Ang kumakatawan sa mga naninindigan sa pagpapahayag na may KATOTOHANAN, may KALAYAAN, at may KALINGA sa taong bayan.
Ang ALAM ay naniniwala na:
Ang tanging limitasyon sa pagpapahayag ay ang KATOTOHANAN.
Ang HUSTISYA ay para sa LAHAT.
Ang bawat mamamayan na gustong malayang maipahayag ang kanilang saloobin ay maari ring tawaging MAMAMAHAYAG.
Sa ATIN nakasalalay ang ating kinabukasan at kaunlaran, hindi sa gobyerno at sa ibang tao.
Walang corrupt sa mamamayang MULAT.
Walang DEMOKRASYA kung walang MALAYANG MEDIA.
Ang ALAM ang nagtataguyod sa:
Mas madaling pagtanggap ng mga sumusunod na serbisyong panlipunan:
benepisyong pangkalusugan
edukasyon at scholarship
legal assistance
insurance
benepisyo para sa Senior Citizens
programang pangkabuhayan
Mga programang magtataas ng kamulatan, kaalaman at partisipasyon ng mga mamamayan sa mga isyung nakaaapekto sa atin sa pamamagitan ng mga PANGMAMAMAYANG SENTRO NG PAMAMAHAYAG (Citizen’s Press Centers) sa bawat rehiyon.
Mga self-help programs na may kaugnayan sa:
pagtatayo at pagpapalakad ng mga kooperatiba
maliliit na negosyo o mga programang pangkabuhayan
pagprotekta sa ating kapaligiran at likas-yaman lalo na ang ukol sa pagmimina
mga programang pangkalusugan na tutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan
mga programang magpapabuti ng peace and order, susugpo ng krimen at problema sa droga at pagsasamantala sa mga manggagawa
mga programang pang-edukasyon o pagbibigay ng pagkakataon sa mga walang kaya na makapag-aral ng libre
pagsasabatas ng Kapakanan ng mga Mamamahayag o Journalists’ Welfare Act para sa pagsusulong ng kapakanan, karapatan at proteksyon sa mga mamamahayag.
Visit here: https://www.facebook.com/ALAM.Partylist
Sunday, July 8, 2012
ALAM Party List! Para sa MALAYANG MEDIA, Supports The 1st Laguna Blogging Summit (1LaBS)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment