Ang supplementary feeding program ay ang pagbibigay ng karagdagang pagkain para sa mga bata na nasa daycare o elementarya upang makamit ang sapat na timbang at wastong nutrisyon ng mga bata.
Upang magawa ito,kinakailangan ang tuloy tuloy na feeding program sa loob ng 120 na araw o apat na buwan. Kapag isang araw lamang ang feeding ay hindi ito sapat para makamit ang sapat na nutrisyon ng mga bata.
Dahil sa panahon ng pandemya, mahirap magsagawa ng aktwal na supplementary feeding.
Kaya hinihikayat ang pagkakaroon ng dry ration.
Ang dry ration na pagkain ay maaaring ihatid sa mga bahay ng mga bata.
Ang DOST-FNRI ay gumawa ng Enhanced Nutribun para magamit sa mga supplementary feeding programs.
Ang isang piraso ng Enhanced Nutribun ay may bigat na 160 grams ay mayroong 500 calories, 18 gramo ng protina, 6 milligrams ng iron at 350
micrograms ng bitamina A. Ito ay sapat na matugunan ang 32% na porseyento ng energy, 59% ng protina, 60% ng iron at 90% ng bitamina A ng mga bata edad anim hanggang siyam na taong gulang.
Sa kasalukuyan, ang Enhanced Nutribun ay ginagamit na sa mga supplemental feeding programs ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang pagkakaroon ng mga feeding programs ay isa sa mga importanteng nutrition interventions.Importante din na magkaroon ng mga iba pang programang pang-nutrisyon, kagaya ng nutrition education classes, vegetable gardening at
iba pang programang pang-nutrisyon na makakatulong upang makamit ng mga batang Pinoy ang optimal na nutrisyon.
No comments:
Post a Comment