Pages

▼

Wednesday, January 14, 2026

ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀𝐍𝐆 πŒπ”π‹πˆ 𝐀𝐍𝐆 π€πŠπ‹π€π“π€ππ† ππ€π‹πŒπ€π’π„πƒπ€

Magandang balita para sa mga estudyante, guro, at iskolar! Bukas na ulit sa publiko ang Aklatang Balmaseda ng KWF. Ito ay isang espesyal na aklatan para sa pag-aaral, pananaliksik, at pagpapalalim ng kaalaman sa Filipino at iba’t ibang wika ng Pilipinas. 

Ano ang puwede ninyong maakses? 

 Mahigit 6,000 printed na koleksiyon
 Mga piling koleksiyon tulad ng Koleksiyong Balmaseda, Villanueva, Aklat ng Bayan, at  Yamang-Salin 
 Mga aklat at sanggunian sa wika, panitikan, kultura, at Filipiniana
 Higit 700 e-books na maaaring basahin nang onlayn sa library.kwf.gov.ph

Lokasyon: 2/F Gusaling Watson 1610 Jose P. Laurel Street MalacaΓ±ang Complex, San Miguel, Manila 

Oras ng Serbisyo: - Onsite na bisita at pananaliksik: Lunes–Huwebes, 8:00 n.u.–5:00 n.h. – 

Onlayn na serbisyo: Lunes–Biyernes, 8:00 n.u.–5:00 n.h. 

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa library@kwf.gov.ph 

Tara na at sama-samang paunlarin ang kaalaman sa wika at kultura ng bayan!

No comments:

Post a Comment